Pananaliksik (BTS)
- Oct 18, 2017
- 2 min read
but before you proceed, Please be energize by the video above.
Our Thesis Title ------- "Ebolusyon: Paraan ng Panliligaw Noon sa Makabagong Panahon"

Here is a sneak peak:
Kabanata 1
I. Panimula
Sa bawat pagtatapos ng pahina ng ating mga aklat ay may panibagong kabanata na ating mabubuksan. Katulad nalang rin ng ating mga tradisyon at kultura, unti- unti na itong napapalitan ng mga makabagong pamamaraan at proseso, isa na rito ay ang paraan ng panliligaw ng mga Pilipino, na kung saan ay pinalitan at binago.
Ang mga Pilipino ay likas na mapagmahal at ito ay isa sa kanilang mahalagang katangian. Pinapakita ng mga pinoy ang kanilang pagmamahal sa iba’t- ibang mga paraan, tulad nalang nang panunuyo sa taong pinupusuan o kaya’y tinatawag na panliligaw.
Ayon kina James, Flavier at De Guzman, Ang ligaw, panliligaw o pagligaw ay isang gawain ng taong nanunuyo sa kanyang taong napupusuan. Tinatawag din itong pangingibig. Isang tradisyunal o nakagawiang kultura ang panliligaw ng isang lalaki upang maipahayag niya ang kanyang damdamin para sa babaeng kanyang iniibig. Isa itong paraan ng panunuyo bago humantong sa kasunduan ng pag-iisang dibdib (engagement) at kasal (marriage). Sa panahon ng ritwal ng ligawan, karaniwang lumalabas o nagde-deyt (dating) ang mga magkasintahan o magiging magkasintahan upang magkakilala sila ng lubusan at makapagdesisyon kung maaari silang magkaroon ng kasunduang magpakasal sa hinaharap.
Ayon kay Yapchiongco, Sa paglaganap ng teknolohiya marami na ang nagbago sa kulturang Pilipino at sa paraan ng panliligaw. Ang makabagong panliligaw ay ibang- iba sa mga dating kaugalian na nakasanayan noong dating panahon. Marahil, dahil sa pagusad ng ekonomiya, siyensa at teknolohiya, nagkaroon na din ng malaking pagbabago sa mga patakaran, ritwal, at mga inaasahan sa isang pagliligawan.
Pahirapan ang panliligaw noon. Dumadaan sa matinding proseso ang isang lalake upang lamang makuha ang matamis na “oo” ng kaniyang babaeng pinupusuan. Ngayon, ang mga kalalakihan ay nakatuon na sa paggamit ng mga modernong bagay at mga paraan upang lamang makuha ang atensiyon ng kaniyang babaeng napupusuan. Dito na rin na dedebelop ang kanilang pagkagusto sa isa’t- isa ngunit ayon sa nakakarami, nag- iiba na ang layunin ng panliligaw sa panahon ngayon.
Ang pamanahong papel na ito ay naglalayong ipabatid ang kaibahan ng panliligaw sa kultura ng nakaraang panahon at sa kasalukuyang panahon ng teknolohiya. Ang pag- aaral na ito ay naglalayong masuri ang kaibahan ng paraan at layunin ng panliligaw noon sa moderno at makabagong panahon ngayon .
If you want a copy, just message me on my gmail account, @yenrivacjr@gmail.com







Comments